Manila Journal

News and Information About The Philippines

  • Gorilla Mobile
  • My Blog is Worth

  • Archives

  • Currency Converter
    Loading...
    Amount:

    From:

    To:
    Result:
    0.00
    * Conversion Rates by Yahoo! Finance

People’s backing kailangan ng Cha-Cha

Posted by Editor on September 30th, 2006

by Rose B. Palacio

Davao City (30 September) — Ang people’s backing ay mahalaga kung talagang gusto ng Charter Change advocates na magtagumpay ang pag-amiyenda ng Saligang Batas, ani Davao City Council majority floor leader Councilor Emmanuel Galicia.

Ang totoo’y hindi bago ang tungkol sa Constitution ang taongbayan at alam din ng publiko ang kanilang karapatan sa ilalim ng Saligang Batas, subali’t hangga’t hindi nakukuha ng Advocacy Commission ng Charter Change ang simpatiya ng taongbayan, mahihirapan silang isulong ang pag-amiyenda nito, aniya.

Mismong si Davao City Mayor Rodrigo R. Duterte ang nanawagan sa mga barangay leaders at taga-Davao upang suportahan ang Charter Change, at pati na rin ang Davao City Council ay sumusuporta ditto.

Umaasa ang sambayang Pilipino na sakaling magtagumpay ang pag-amiyenda sa Saligang Batas, ay magkakaroon ng malaking pakinabang ang pagbabago para sa mahihirap at sa kabuuan, aniya. (PIA-XI) [top]

If you enjoyed this post, make sure you subscribe to my RSS feed!

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.